"GHOST PLANE, NAKAPAGTIME-TRAVEL?"

 GHOST PLANE, NAKAPAGTIME-TRAVEL?

Hello guyzes, it is my first time writing here po, and I hope you can bare with me hahahaah. So I have watched this movie, nakalimutan ko po yung title pero the content of the movie was so nice and unrealistic pero, noong nalaman kong based on a real life story, doon ako mas lalong naging interested at curious tungkol doon.
So sa movie, may pamilyang magtratravel daw, their children were twins mga 8 years old siguro, so bali yung nanay at yung isang batang lalaki ang magtratravel gamit ang plane. Then, sa gitna ng kanilang paglalakbay, nagkaroon ng kaunting problema ang plane, parang nagkaroon ata ng pambihirang turbulence sa itaas. Meanwhile, yung pamilyang natira nagtataka sila dahil estimated time na dadating yung mag-ina sa kanilang destination ay mga 3 hours pero ilang days at weeks wala paring balita. Hanggang sa naging years na, ginawa na ngang case closed iyon dahil inakala nilang nag crash ang eroplano in the middle of the sea. Pero yun ang inakala nila, 37 years later, may dumating eroplanong hindi pamilyar, at guess what? Yun yung eroplanong nawala 37 years ago.. Pero, ang mga tao doon hindi man lang tumanda, like yung mag-inang bida sa movie, bata parin yung lalaki pero yung babae nyang twin, mga 40+ na. Doon ako lalong namangha.
After watching the movie, I made a research po. So nalaman ko na based on a true story talaga ito. Ito ay nangyari noong July 1955. May isang plane na tinakdang magtravel from New York to Miami, na aabutin ng 3 hours. Pero, kagaya ng sa movie, hindi na muling nagpakita ang plane. Nagsagawa sila ng search and rescue sa mga lugar na maaaring macrash ang plane ngunit, kahit sa dagat ay wala silang makitang kahit kaunting bakas ng eroplano. So ayun, na case closed yun. September 1992, sa Venezuela, may isang air traffic controller o yung nagmomonitor ng mga eroplanong dadating at lilipad, ay nagtaka dahil may biglang nag pop-up sa radar niya. Out of nowhere, may eroplanong nasa old model ang sinasabing maglalanding daw sila. Ito ang kanilang naging conversation pero I forgot the actual conversation po pero ganito yung thought.
Pilot: nasaan kami?
Taga-monitor: nasa Venezuela airport
Pilot: (pause) bakit kami nandito?
Taga-monitor: (pause) pwede bang humingi ng details sa flight niyo?
Pilot: This is Pan Am Flight 914 with 57 passengers and six crew members that took off from New York City airport headed for Miami, Florida on July 2, 1955.
Doon nagulantang ang taga-monitor noong nalaman niyang 1955 ang sinabi ng pilot. Ayun, maayos namang nakalanding ang eroplano, tumawag sila ng tulong para maassist ang mga passengers, pero nagkaroon ng pagkakamali ang taga-monitor noong sinabi nyang
Taga-monitor: alam mo ba na ngayon ay september 1992?
Pilot: (hindi kumibo)
Biglaang naging agresibo ang piloto at sinabing
Pilot: Stay away from us! We are leaving!
Pagkatapos sabihin ng piloto, pinaandar niya agad ang makina at lumipad ulit, at pagkatapos noon, hindi na sila nabalitaang muli.
Sa tingin nyo bakit umalis ang piloto, alam niya kaya kung paano bumalik sa past? alam niya kaya na sila ay nakapag time travel? Possible kaya ang time travelling?

Mga Komento

Kilalang Mga Post