"MAHAL KITA PERO KAIBIGAN KO ANG GUSTO MO"

 "MAHAL KITA PERO KAIBIGAN KO ANG GUSTO MO"

Nag simula sa HI ang ating usapan
Hanggang sa tayoy naging mag kaibigan
Pero hindi ko na namamalayang
Akoy nahulog na sayo ng tuluyan
Sinubukan ko naman itong pigilan
Dahil mahal mo ang aking kaibigan
Pero anong magagawa ko
Kung ikaw lang ang laman ng aking pusot isipan
Alam ko naman na hindi moko kayang mahalin
Kaya ko naman iyon tanggapin
Kung kailangan ng gawin
Pero ikaw parin ang aking mamahalin
Sana hindi nalang ako umasa sayo
Para hindi ako nag kakaganito
Dahil sa sandaling hindi kita makausap
Hindi ko iyon matanggap
Ayokong sabihin sayo ang aking nararamdaman
Hindi dahil sa mahal mo ang aking kaibigan
Kundi ayokong masira ang ating pag kakaibigan
Pag kakaibigan na aking pinaka iingat ingatan
Sana kapag dumating ang araw na sabihin ko sayo
Ang aking tunay na nararamdaman
Sana hindi mo ko iwasan
Dahil hindi ko iyon makakayanan
Sana walang mag bago
Kapag umamin na ako sayo
Kung ano tayo ngayon
Sana ganoon padin hanggang sa dulo
Bakit ganoon ako yung nandito
Pero sya yung nasa isip mo
Ako yung nandito at nag mamahal sayo
Hindi sya na binabalewa ang tulad mo
Kahit hindi mo ramdam ang aking nararamdaman
Patuloy parin akong nandyan
Bilang kaibigan hanggang sa katapusan
Hanggang dito nalang ang aking tula
Dahil hindi ko na kaya
Ang mga salitang
Aking ginawa

Mga Komento

Kilalang Mga Post