Tula ng pag ibig #1
Lumuha Ng Patago
Nararamdaman ko kung pano ka pinaglaruan
Pinaikot-ikot sa mundong ginagalawan
Yung tila lahat ng bagay gusto mo nang sukuan
Sa murang edad bakit ganito ang nararanasan..
Ang daming problema na nakapalibot sayo
Sabay-sabay na linalabanan mo
Sabay-sabay na unti-unting inuubos ang iyong pagkatao
Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay mo?
Kulang kulang na myembro ng pamilya,
Sa bahay pinag aawayan ay pera,
Iniiwan ka laging nag iisa,
Lahat na lang! Lahat na lang ay iyong pinagdaanan..
Napakasayahin mo pang bata
Laging kang nakangiti at tuwang tuwa
Nakangiti nang di nila mapansin na ika'y hinang hina
Yung tipong gustong-gusto mo nang lumaya..
Lumaya kasi rinding rindi ka na
Lumaya at maging isang tunay na masaya Lumaya sa mapaglarong tadhana
Lumaya kasi malapit na...
Ramdam kong malapit ka nang sumuko
Ramdam kong pagod na pagod ka nang tumayo
Patawad dahil wala akong magawa kundi ang magpayo
Dahil maging ako, ramdam ko kung pano lumuha ng patago...
~miyaki
#TNPPoetry
#RequestAccepted

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento