PAGGUHIT
Pagguhit
Isinulat ni Ro Nald
Nasaan na kaya ang aking mga kagamitan?
Mga lapis at papel na aking kakailanganin.
Upang masimulan ko na ang pagguhit,
Dahil matagal na kong hindi nakakaguhit.
Iguguhit ko ngayon ang babaeng aking nakita,
Isang babaeng bumighani sa aking mga mata.
Pati puso ko ay nahulog din sa kanyang ganda,
Mula sa taglay nitong napakaamong mukha.
Parang isang anghel na bumaba sa langit,
Dala ang taglay nitong ganda na kaakit-akit.
Upang buhayin ang aking pagkakahilig,
Mula sa magtagal kong 'di pagdudrawing.
Kaya iguguhit kita 'gang sa'king makakaya,
Nang mga kagamitang aking dala-dala.
Lapis at papel, mga katuwang sa pagguhit,
Upang ikaw ay aking masimulang iguhit.
Kaya ililinya ko ng maayos ang iyong ganda,
Mula sa papel na aking ginagamit panimula.
Upang ang ngiti ay manatili sa'yong mukha,
Katulad na lamang noong una kitang makita.
Iguguhit ko ngayon ang babae sa'king harapan,
Ang babaeng bumighani sa'king pusong pihikan.
Alalahanin ko ng mabuti ang iyong kagandahan,
Para walang pagkakaiba sa iginuguhit kong larawan.
Sa isang larawang ikaw ang siyang naging modelo,
Dahil binalik mong muli ang tanging kinahihiligan ko.
Isang pagguhit na matagal ko na ding naitago,
Mula sa isang kabiguan ng aking pusong itinatago.
(CttoOTP)

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento