Ok lang ako, Masaya na kayo
Ok lang ako, Masaya na kayo?
Isinulat ni Ro Nald
Ang mga salita ay ginagamit sa tama,
Hindi sa pang-aalipusta ng kapwa,
Dahil ang bibig ay matalim pa sa kutsilyo,
Nakakamatay sa taong pinagsasabihan nito.
Biktima ako ng isang pangbubully nang iba,
Lahat ng pang-aalipusta ay aking narinig na.
Payatot, pangit, siraulo, at kung anu-ano pa,
Masakit ang bawat salitang binibitawan nila.
Samahan pa nito ng problema sa aking pamilya,
Bulyawan, awayan, at murahan sa bawat isa.
Hanggang humantong sa hiwalayan ni ama't ina,
Kaya ngayon ako ay iniwanan nilang nag-iisa.
Ang mas masakit na ako ay tulungan nila,
Lalo pa akong binabaon sa aking pag-iisa.
Mula sa kanilang mga masasakit na pananalita,
Nang mga taong inaasahan ko sana at makakaunawa.
Kaya tanging masasabi ko na lang sa inyo,
Oo na, Ok lang ako, Masaya na ba kayo?
Sa lahat ng mga binibitawan niyong pananalita,
Kaya sisikapin kong bumangon na lang ng nag-iisa.
(CttoOTP)

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento