Ampalaya poetry #6

“MAY HANGGANAN ANG WALANG HANGGAN”
—Yna.

Lahat ng kuwento may tuldok
Lahat ng tanong may sagot
Kaya huwag kang magtaka kung
ang nasimulan ay natapos na
Kung lahat ng meron kayo ay nawala

Lahat ng aklat may huling pahina
Kahit pa gaano ka ganda— ka saya
Lahat ng mga bagay may kalalagyan,
Kaya huwag kang mag-taka kung ang relasyon niyo ay may katapusan

Lahat ng walang hanggan may hangganan
Walang nananatili kahit pa na matalik mong kaibigan
Lahat sila iiwan ka, takot at mag-isa
Lahat sila mapapagod,
ipaparamdam sa'yong walang-wala ka

Ang walang hanggan ay purong ilusyon lang,
Parang isang pag-kain na isang tikim lang,
Parang isang kendi na madaling matunaw
Parang paglubog lang ng araw

Natatapos ang araw para palitan ng gabi,
Kaya huwag kang kampanti na may mananatili sa'yong tabi
Huwag kang magpalinlang sa mga pangako,
Tandaan mo! Hindi lahat ay totoo

Huwag ka munang pakasigurado,
Kung nababasag nga ang baso,
pa'no pa kaya ang puso mo?
Kung takot kang maiwan piliin mo na lamang na mag-isa ka,
Huwag mong hayaang pagkatapos ng lahat iiwan kang parang tanga,

Kung dumating siyang buo ka pa
May posibilidad na basagin ka niya
Tandaan mo, huwag kang
magpapaloko sa mabulaklak niyang mga salita
Parang pabango lang 'yan pagkalipas ng ilang minuto ang halimuyak nawawala.

Mga Komento

Kilalang Mga Post