Tinig ng mga Manggagawa.
Isang kahig, isang tuka sa hapag kainan
Ang isang mangkok na Manna ay maluha-luhang pinagkakarmutanan
Sa lantarang pagyurak n'yo sa aming karapatan
Kayo ay tila manhid sa aming paghibik na umaatungal.
Kami ang humahabi sa bawat himaymay niton kabihasnan
Maghapong kumakayod na bilad sa araw
Sa igting ng gabi kami'y naglalamay
Tagaktak ang pawis walang kapaguran.
Sa pagtitindig ng gusali malikhain naming kamay ang umaalalay
Ang kakarampot naming kita ay hindi man lang makatighaw sa aming pagkauhaw
Sa pagpailanglang ng mga bilihing walang pakundangan
Lantarang pagkitil sa aming naghihingalong kabuhayan.
Ang aming ambag sa kaunlaran sana ay isaalang-alang
Kami ay mga bayani ring dapat na koronahan
Itaas ang gabinlid naming sahod gapatak man ng ulan
Upang kahit papaano'y maisalba ang pagkalam ng aming tiyan

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento