"Sa likod ng aking plumang panulat"
Ni Alison Cierva

Nakatago ang isang makatang may malalim na sugat,
Sa likod ng plumang panulat,
Pigil na pag luha habang ang labi'y kagat,
Ganyan sumulat ang isang makatang sa saya'y salat

Lumilikha ng akda upang ang sakit ay maihayag,
Upang ang nakatagong hapdi ay maibunyag,
Upang makakuha ng aral ang madla
At sa huli'y di na nila sapitin pa

Sana ang sugat nila'y malunasan pa,
Sana'y ang saya ay naranasan pa,
Ayokong may mahirapan pa,
Ayokong may makaranas pa,

Ng mundong nabalot ng kadiliman.  
Dahil sa Nakaraang mahirap makalimutan
Dahil sa aking pag kadapa ay walang umalalay,
Dahil sa aking pag lalakbay ay walang gumabay

Ayoko may mag buwis pa ng buhay,
Ayoko nang mag halo muli ang itim at pulang kulay,
Matuturing mo akong kaibigan,
Ibigkas o isulat natin ang sakit, handa kitang tulungan

Ipapakita ko sayo ang kahulungan ng buhay
Na kahit nababalot tayo ng itim na kulay
Ay may liwanag sa ating likoran,
Hindi lang natin makikita dahil
Nakatingin tayo sa harapan

Wag kang matakot balikan,
Ang masalimuot na nakaraan
Dahil dito  mo makikita ang mga aral at kasagutan,
Ako, ang mag sisilbi mong panang gala sa mga kalaban
At siya ang mag sisilbi mong sandata sa kahit na ano mang laban

Ako ay isang makatang mandirigma
Nakatago sa pluma upang magging panang gala,
Gamit ko ang aking itim tinta,
Kasama ko ang makapangyarihang sandata
Hangad namin na di maghalo muli, ang pula sa itim na tinta.

JOKERZ IS REAL


Mga Komento

Kilalang Mga Post