Ang pag-ibig ng isang Ina


Ang pag-ibig ng ina animo'y pandikit
Habang tumatagal lalong kumakapit
Sa t'wing tayo'y sinisiil ng mapupusok nilang halik
Para tayong nabunutan ng nakabaong tinik.

Kapag ikaw 'y may pighati hindi siya mapalagay
Ikaw ay kanyang susuyuin habang buhok mo'y sinusuklay
Ipaghehele ka niya upang ikaw ay tumahan
Sabay wikang, "ito any anak kong pinakamamahal!"

Kapag ikaw 'y umaangil sa tuwing uutusan
Sinesermunan ka niya tanda ng pagmamahal
Kahit sa paningin nila'y magmistulan tayong Tupang ligaw
Ang inang nag-iwi'y laging nakatanglaw.

Ganyan ang pag-ibig ng ating mga ina
Ang kanilang pagmamahal ay walang kapara
Dahil sa lupa Sila at itinalaga ng butihing Ama
Upang maging kahalili sa Kanyang pagkalinga.

Kaya tayong kanilang mga anak
Sa lahat ng sandali sila ay mahalin
Sila ay pagsilbihan natin ng walang maliw
Kapag tayo at tumupad sa kanyang mga tagubilin
Ang buhay natin sa daigdig ay Kanyang palalawigin.

C.
Voltaire M. Guna
2016

Mga Komento

Kilalang Mga Post