DECIMOQUATRO DE FEBRERO
ni Jadesensei
The axietysucks poetry
Araw ng mga puso, sasapit na naman;
Okasyong espesyal na 'pinagdiriwang,
Ng lahat ng mga magkakasintahan,
Na itinatangi kanilang mga hirang.
Ang mga regalo ay naglalabasan;
Mayro'ng tsokolate o kaya ay rosas,
Siksikan sa hotel at mga pasyalan,
Init ng pag-ibig, ipinararanas.
Ngunit para sa 'kin, ordinaryong araw,
Halos wala akong makahawak-kamay.
Narito sa bintana't malayo ang tanaw,
Habang nagsusulat, ramdam ko ang lumbay.
Ang walang kapares ay sadyang kay hirap,
Kape na matabang ang nakakatulad;
Kawangis ay kulay na hindi matingkad,
Tila papawirin na hungkag sa ulap.
Tila handang puto; walang dinuguan.
Kawangis ay tsinelas na walang katuwang,
Tulad ng kandila na 'di nagniningas,
Sa araw ng puso, 'yan ang pakiramdam.
Nang ako'y mauntog tila natauhan;
Hindi dapat gano'n ang maging pananaw.
'Pagkat darating din ang inaasahan,
Tulad ng pagsikat nitong haring araw.
At habang wala pa ang pinakahihintay,
Ay pagbubutihin itong aking buhay,
Upang kung dumating at siya'y sumilay,
Walang magsasabing kami'y hindi bagay.
Maligayang araw ng mga puso sa ating lahat!
ni Jadesensei
The axietysucks poetry
Araw ng mga puso, sasapit na naman;
Okasyong espesyal na 'pinagdiriwang,
Ng lahat ng mga magkakasintahan,
Na itinatangi kanilang mga hirang.
Ang mga regalo ay naglalabasan;
Mayro'ng tsokolate o kaya ay rosas,
Siksikan sa hotel at mga pasyalan,
Init ng pag-ibig, ipinararanas.
Ngunit para sa 'kin, ordinaryong araw,
Halos wala akong makahawak-kamay.
Narito sa bintana't malayo ang tanaw,
Habang nagsusulat, ramdam ko ang lumbay.
Ang walang kapares ay sadyang kay hirap,
Kape na matabang ang nakakatulad;
Kawangis ay kulay na hindi matingkad,
Tila papawirin na hungkag sa ulap.
Tila handang puto; walang dinuguan.
Kawangis ay tsinelas na walang katuwang,
Tulad ng kandila na 'di nagniningas,
Sa araw ng puso, 'yan ang pakiramdam.
Nang ako'y mauntog tila natauhan;
Hindi dapat gano'n ang maging pananaw.
'Pagkat darating din ang inaasahan,
Tulad ng pagsikat nitong haring araw.
At habang wala pa ang pinakahihintay,
Ay pagbubutihin itong aking buhay,
Upang kung dumating at siya'y sumilay,
Walang magsasabing kami'y hindi bagay.
Maligayang araw ng mga puso sa ating lahat!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento