ANG KUMPISAL NG MGA KALALAKIHAN
ni Samuel Bathan de Ramos
The Frustrated Poet
Ang mga kalalakihan ay asal-hayop kung magmahal /
Kasinungalingan kung sasabihin na /
Tayo ay matapat at iniingatan ang ating dangal /
Tama ka kung naninindigan kang /
Iniiwan lamang natin ang bawat makatambal /
Isang ilusyon na tayo ay marunong magdasal at /
Huwag sana nating isipin na /
Ang binubuong relasyon ay magtatagal /
Lagi nating isapuso na /
Ang tanging alam lang natin ay gumawa ng mga bawal /
Tulad ng isang aso na umiihi sa kahit saang kanal at /
Hindi tayo /
Nagnanais ng wagas na pag-ibig at kasal /
Ang katotohanan, tayo ay /
Malayong-malayo sa pagkabanal /
Ang tingin ng iba /
Ang alam nating salita ay puro balbal /
Mali ang sabi-sabi na /
Tayo ay may puso na pinaiiral /
Pangatawanan nating /
Tayo ay mga hangal! /
Mali ang mga palagay nila na /
Maayos ang ating asal at /
Kung minsan tayo ay utal /
Na tayo ay may damdaming ‘sing lambot ng pandesal /
Ibaon natin sa ating pagkatao na /
Tayo’y may kamay na bakal /
Ang mukha ay kasampal-sampal at /
Ang ugali natin ay nakasasakal /
Kung makibagay ay tila animal /
Walang pagpapahalaga sa ating Maykapal at /
Hindi katanggap-tanggap na tayo ay /
Natitinag at napapagal /
Sa pag-ibig ay sumusuko at sumusugal /
Ganiyan tayo ka-brutal ngunit /
Tayo ay tao rin na nasasakta’t nagmamahal.
Paunawa: Bago po ninyo bigyan ng puna o reaksiyon itong aking tula, nais ko lamang ipabatid na ito ay isang "reverse poetry" at inaanyayahan ko kayong basahin ito muli simula sa baba paitaas. Maraming salamat po.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento