"TAYO PA BA?"

 "TAYO PA BA?"

-
Ikaw na'y nanlamig
Halos di kana kinikilig
Sa kwento ko di kana nakikinig
Pero ikaw pari'y aking iniibig
-
Sa akin wala ka ng panahon
Wala na sa'kin ang 'yong atensyon
Di ka na rin tumutugon
Sa ating relasyon
-
Akin ring napapansin
Madalas mo na akong awayin
At iyong paghintayin
Halos di kana kasi nagchachat sakin
-
Lagi ka na ring galit
Parang gusto mo na'kong mawaglit
Sa oras mo lagi na'kong nakasingit
Pero tiniis ko yun kahit masakit
-
Sa ating dalawa
Ako nalang nagpapahalaga
Iniisip ko nalang na pagod kana
At kailangan mo lang ng pahinga
-
Pinapabayaan muna kita
Para makapag-isip-isip ka
Ako naman sayo'y may tiwala
Kaya akin yung ginawa
-
Pero ako na'y iyong natitiis
Parang di mo na ako namimiss
Sakin lagi ka ng naiinis
Kaya lagi na'kong tumatangis
-
Pinababayaan mo na yung 'tayo'
Nasaan na pangako mo?
Yung tayo hanggang dulo
At di hahayaang tumulo luha ko?
-
Matatamis mong salita
Naging mapait at mapakla
Parang sakin ikaw na'y nagsasawa
At sa buhay mo ako'y mawala
-
Parang ako nalang mag-isa
Ang lumalaban sa'ting dalawa
Kaya ang tanong ko tayo pa ba?
O pagsasama nati'y naglaho na?

Mga Komento

Kilalang Mga Post