"PANGAKONG SA IA TINUPAD"

 "PANGAKONG SA IBA TINUPAD"

🖎 SNEPEY ✍
Balik tayo sa umpisa,
Noong tayo pang dalawa,
Ang dami pala nating na buong mga alaala,
Yun ba ang ibig sabihin sa pagmamahalan natin sa isa't isa,
Sa loob ng ating pagsasama,
Mayron tayong mga pangako na dinadala,
Pati na yung pangako mong ninais para sa'kin maipadama,
Higit sa lahat yung pangako mong sa'kin na hindi ka magsasawa
Pero bakit ganun? Ba't may nabalitaan ako na sa iba kana raw sumama,
Nangangatuwiran kapa sa'kin na ako lang daw ang lagi mong kasama,
Noong una pinagbibigyan pa kita sa'king pagkatanga,
Pero ngayon hindi na dahil kitang kita mismo sa dalawa kung mga mata
Ako'y nagtataka kung bakit nagkaganyan ka,
Ginawa ko naman ang lahat para sa'yong ikakasaya,
Hindi pa pala sapat yun Dahilan ng iyong pagkawala,
Pigilan sana kita pero wala akong magagawa
Dahil sa sinabi mong tama na,
Dahil sa sinabi mong kalimutan muna,
Dahil sa sinabi mong magpapakasaya na raw akong mag isa,
Dahil sa sinabi mong tapos na ang ating pagsasama
Paano na yung mga pangako nating na buo?
Kung hiwalayan ang ating makamit sa dulo,
Sana sinabi mo sa'kin nun na ako'y iyong ginago,
Para man lang hindi tayo umaabot sa ganitong plano,
Pero kung hiwalayan talaga ang gusto mo?
Tatanggapin ko nalang ang pagkabiyak ng aking puso,
Ipagdarasal nalang kita na sana magiging masaya ka sa kasama mong bago,
At sana ipagdarasal mo rin ako na sana hindi ako magiging sira-ulo at tarantado
Papalayain nalang kita kit na masakit,
Dahil alam kung hindi kana mapipilit,
Itapon ko nalang yung mga larawan nating dikit na dikit,
Sana mapalitan ng sobrang tamis ang kinikimkim kung pait

Mga Komento

Kilalang Mga Post