"MULTONG RIDER"

 MULTONG RIDER

Hi Spookify! Silent reader nyo po ako years ago na. Itago nyo na lng po ako sa pangalang "Ava" 😊. Pagpasensyahan nyo na lng ako dahil hindi ako magaling magkwento. Sana ma post po. Thank you in advance.
Itong kwento ko na ito ay nangyari Dec. 2019. So ito na nga, meron akong kababata na tawagin na lng natin sa pangalang Cherry 23y old Siya ay mayroong Jowa na si Ron 29y old (d tunay na pangalan) Si Ron ay medyo malayo ang kanyang inuuwian , tingin ko mga 16km. Mula bayan. Ngayon gusto ni cherry na pumunta kila Ron mga 10:00 ng gabi pero wala na syang masakyan kasi nga medyo malalim na ang gabi at malayo pa, ngayon tumawag sya sa phone ko nakiusap kung pwede raw namin syang ihatid ng boyfriend kong c leo, dahil si leo kasi yong may motor, pumayag naman ako at bf ko kasi kaibigan ko din yong bf nyang si Ron. So yun nanga tinatahak na namin ang daan, wala kang ibang maririnig na ingay maliban sa ugong ng motor, malamig madilim at nakakatakot ang gabi, hindi ako masyadong pamilyar sa lugar dahil minsan lng ako makadaan doon mangilan-ngilan lng ang bahay at malalayo ang agwat. Kumakanta kanta na lng kmi ni cherry kahit sintunado sya okay lng sinasabayan ko naman sya pero minsan ako ang nadadala sa kanta nya😂. Nong makarating kami sa bahay nila ron hinatid ko si cherry sa loob ng gate nila at kinausap ko si Ron na sya na muna bahala kay cherry, at hindi narin ako nagtagal at nagpaalam narin ako. Nong pauwi na kmi medyo nakaramdam ako ng takot dahil dalawa na lng kmi ng bf ko sa motor at sa likod pa ako, marunong din ako magmaneho kaso natatakot ako kasi gabi, alam nyo na medyo matatakutin ang lola nyo, kasi feeling ko may aangkas sa likod ko hahaha so hindi pa kmi nakakalayo may bigla akong naaninag na may nagmomotor sa unahan namin, wala naman nag overtake sa amin, nakita namin magkaangkas na dalawang lalake ,nakaputi silang dalawa walang helmet at ang motor nila walang ingay, RS100 na motor daw un sabi ng bf ko at nagtaka sya kasi na matagal ng binawal dito samin kasi mausok. Sa part na yun walang kaposte-poste sobrang dilim, tanging ilaw lng ng motor ang nagsisilbing liwanag sa daan kaya medyo naaaninag namin yong motor na sinasakyan nila. Ang sabi ko kay leo bilisan nya at habulin namin yong motor na nasa unahan namin, kaso kung saan binilisan ni leo yong patakbo nya ay sya ring bilis ng sa unahan namin, malayo layo na sila sa amin pero nakakapagtaka lng dahil wala silang ilaw pero kaya nilang magpatakbo ng mabilis kahit kurba-kurbada ang daan. Sabi ni leo 'kpag nandun na tayo sa tuwid na daan at marami ng ilaw na wala tayong makita ibig sabihin multo yan. Nong makarating nga kmi sa tuwid na daan wala kming nakita kahit isang tao man lng, sabi ni leo multo nga yun, at naalala nya na raw na yun yong dalawang yun daw ay mga magnanakaw at pinagtataga ng ninakawan nila, hindi ko din alam kung anong mga ninakaw nila, pero ang bangkay ng dalawang lalake ay ginawang karne at nilako-lako pa at pinagbili sa mga tao, at ang sabi naubos din daw agad yung karne dahil sariwa, dahil siguro mukang karneng baboy or baka din. Karumal-dumal din ang sinapit nila kaya sguro hanggang ngayon hindi pa sila matahimik. Kaya kmi ni leo hindi na kmi naghatid ulit kay cherry ng gabi at baka mas malala na makita namin sunod, at buti na lng malakas yung faith ko kay God at wala ring nangyarig masama sa amin dahil nakuwi rin kami ng ligtas. Kaya lagi tayong manalig at magpasalamat kay God dahil hindi nya tayo pababayaan. Salamat sa pagbabasa.

Mga Komento

Kilalang Mga Post