"MODULAR DISTANCE LEARNING''

 "MODULAR DISTANCE LEARNING"

-
Marami ang estudyante na nagrereklamo
Dahil sumasakit na ang kanilang ulo
Pati mga magulang problemado
Sa new normal na ito
-
Mga mag-aaral daw ngayon ay walang matututunan
Modules di na iniitindi,basta lang ito'y masagutan
Matapos lang sa takdang pasahan
Kaya mga estudyante'y paspasan
-
Hangad ng iba ang academic freeze
Dahil simula palang sobra na silang stress
Sa katunayan umabot pa ito sa depress
May mga nagpakamatay dahil di na nakatiis
-
Sa paghahangad na matapos agad lahat
May mga estudyanteng nagpupuyat
Sumakit na ang kamay kakasulat
At katawan kakaupo habang iniindi ang nasa aklat
-
Kapag nagsasagot ka ng module mo
May lalapit lang sayo
Feeling mo sobra silang nakakadisturbo
Isip ay agad-agad magugulo
-
Mga modules di mo pa nababasa
Nagrereklamo kana
Dahil alam mong mahirap intindihin sya
Kaya akala mo,di mo kaya
-
Di ito maganda sa ating kalusugan
Pati isipan natin naaapektuhan
Di kasi natin ito nakasanayan
Kaya labis tayong nahihirapan

Mga Komento

Kilalang Mga Post