"KAIBIGAN"

"KAIBIGAN"
🖎 SNEPEY ✍
Bata pa tayo ay nagkaroon na tayong maraming kaibigan,
Kaibigan na andyan sa tuwing may kailangan,
Na alala parin natin yung punong sayang mga panahon,
Yung tipong namamatay na tayo sa sobrang ka kulitan,
Yung tipong sabay tayong nagtutulungan,
Yung tipong sabay tayong pinagalitan,
Ang sarap pala sa'ting pakiramdam,
Kapag ang pagmamahal sa kaibigan natin iparamdam,
Kaya't magpapakumbaba tayo at ilagay ang sarili sa ilalim,
Kahit nag aaway pa tayo minsan,
Kahit mayrong pagkakataon na tayo'y nagkatampuhan,
Kahit sa mga lakad ng iba tayo'y na iwan at pinabayaan,
Huwag nating intindihin ang mga yan,
Mas lalo pa natin silang alagaan at ingatan,
Idaan nalang natin sa larong habol habolan,
Ngunit tayo'y nagtataka sa'ting paglaki,
Dahil wala na tayong mga kaibigan na nanatili sa'ting sarili,
Pero hindi dahilan yan para sisihin natin ang ating sarili,
Turoan nalang natin ang ating sarili kung paano mabuhay ng mag isa,
Turoan nalang natin ang ating sarili kung paano tumayo mag isa,
Turoan nalang natin ang ating sarili kung paano sumaya na mag isa

Mga Komento

Kilalang Mga Post