" ANG BANTAY"

 "BANTAY"

Hello admin and sa mga readers dyan. Silent reader din ako dito and this is my 1st story na ma share ko.Sana maunawaan nyo po na hindi po ako ganun kagaling sa pag kukwento sorry sa mga feeling perfectionists dyan. pa hide po ng identity ko sa bf ko pong account to thank u in advance. Tawagin nyo na lang ako sa nickname kong Rian. Nangyare to nitong August 18,2020. Naalimpungatan ako around 2am feeling ko kasi may naka tingin sakin habang tulog ako. Naririnig ko sina mama at papa na nag uusap sa kabilang bahay (mag katabi po kasi yung bahay ng mama at lola ko. sa lola ako natutulog) back tayo sa story. Narinig ko na inutusan ni mama si papa na hanapin yung kapatid ko si jv (pangalawa kong kapatid, panganay po kasi ako) so hinanap nila may time na rinig ko pa yung pag silip ni mama sa tinutulugan nami kung andyn yung kapatid ko pero wala samin. So pabalik n sya nun sa kabilang bahay nung biglang sumigaw si mama. Syempre ako nataranta iniisip ko na baka naka kita si mama ng multo. Bigla ako bumangon at palabas n ko ng bahay para puntahan si mama ng bigla syang sumigaw na "Pa yung anak mo si jv" bigla ako natigilan hindi ako makakilos that time. Biglang umiyak yung kapatid kong pangatlo at pang lima. Kung ano bigla pumasok sa isip ko nung time n yun kaya yung lola ko n lng lumabas para alamin nangyayare. Binalita n lng sakin na nag bigti daw kapatid ko. Kaya pala hinanap ni mama kapatid ko kasi nabasa ni mama yung last message nito sa kanya bago nya ginaw yun. Throwback muna tayo bago sya nag pakamatay. Si JV po kasi bukas yung third eye sanay n po sya makakita ng kung ano ano n hindi nakikita ng pang karaniwan. Kinausap nya si lola na " mame may mag asawang naka tira dun sa puno ng langka. Kinausap ako na alisin daw natin yung bahay ng kalapati dun kung hindi daw, hindi nila ako titigilan." (mame po tawag namin sa lola namin) yung punong yun kasi pinag tayuan ng bahay ng kalapati ng isa ko pang kapatid. Eto pa ang kwento kay mama "mama binabantayan sina mame at ate ng mag asawa" na syang ipinag taka naman ni mama. Nung time na nag padasal kami kasi death anniversary ng lolo ko may mga bisita kami na nakidasal. After ng pag dadasal syempre kainan. Yung isa naming bisita kinausap si mame na " Nay may bisita pa po pala kayong mag asawa andun lng sila sa puno ohh".
Kaya after ng libing ng kapatid ko pina bless namin yung pinag bigtiin nya. Acctually yung pinag bigtian nya is dun mismo sa punong yun kaya lalo kami napa isip. Salamat admin kung ma post po eto. Sobrang sakit parin haggang ngayon n tanggapin n wala na yung kapatid kong iyon. Jv mahal na mahal ka namin ng sobra naway mapatawad ka ni god patuloy parin kitang ipinag dadasal. Sa mga nkakakilala sakin dito wag nyo ko i-tag. Salamat sa time medyo napahaba ang kwento ko acctually marami payan like tyanak nga ba at kung ano ano pa.

Mga Komento

Kilalang Mga Post