Tupa ng pag ibig #2

🙉MAHAL KITA🙉
            Requested by M.T.T😉

"I love you" madalas sabihin ng iba
Ito yung katagang ayaw ko nang marinig pa
Maaari kasi itong biro o laro para sa kanila..
Ganyan na ang ibang tao di ba?

Na sa pagdadaan ka sa kalye..
May magsasabi na "I love you ate"
Minsan may pahabol pang "Penge number mo bebe"
Ganyan na di ba ngayun ang ibang lalaki?

Na sa pagbigkas ng "Mahal Kita"
Parang wala lang sa kanila..
Na sa pagpili ng liligawan
Okey na yung maganda...

Hindi na rin tuloy malaman,
Ang pinagkaiba ng mahal sa hinahangaan..
Hindi ko na rin malaman,
Ang pinagkaiba ng seryoso sa kalokohan..

Nakakapanghina.. Nakakalito..
Pati tuloy yung totoong nagmamahal sa akin
Hindi ko pinaniwalaan, itinaboy ko..
Masama ba ako? O takot lang akong magmahal ng maling tao...

Isa lang naman ako sa nawalan na ng tiwala..
Tiwala sa salitang "Mahal kita" na binababoy ng iba..
Katagang di ko alam kung seryoso o biro sa kanila..
Katagang di ko alam kung pagtitiwalaan ko pa..

Kaya sana pagkatapos nyo itong makita...
Hindi kita pinipilit pero sana..
Mapa babae o lalaki ang nakabasa
Sana seryosohin nyo na ang salitang "Mahal kita"

Mga Komento

Kilalang Mga Post