Tula ng pagibig #10

👥 WALANG TAYO 👥
               
Lagi tayong magkasama
Lagi tayong tumatawa
Lagi nila tayong nakikita
Sweet na parang magsyota

Bawat araw ay masaya
Bawat taon ay puro ligaya
Bawat oras ika'y kasama
Bawat minuto ika'y naalala

Hanggang dumating yung panahon
Na parang binaliwala yung noon
Bigla kang naging manhid ngayon
At baka nga sa iba ika'y nakatuon

Basta't pwede, tinatanong kita
San ako nagkamali, san ako nagkasala
Sagot mo naman lagi ay si puro "wala"
Napapaisip tuloy ako't matutulala

Puso ko'y litong-lito
Isip ko'y gulong-gulo
Bakit ako nagkakaganito?
Bakit para akong patay na tao?😔

Araw-araw ay lumuluha
Sa wakas ay unti-unting humuhupa
Mga sagot ay nakakamangha
Sa mga tanong na ako mismo ang gumawa

Oo, masaya kana
Kita ng dalawa kong mata
Ngiti mo' dulot ng iba
At ako ay pansamantala😆

Nasanay lang pala ito👉❤👈
Nang meron "ikaw at ako"
Pero pagdating pa rin sa dulo
Nandun pa rin yung salitang "walang tayo"

                                            BY: 🙀/😸

Mga Komento

Kilalang Mga Post