Tula ng pag ibig #7
SIGURO😔
Ang tagal na ng ating samahan
Ikaw at ako'y laging may tawanan
Araw-araw, minu-minuto'y lagi kang nariyan
Ikaw at ako ay magkaibigan...
Pero anu itong nararamdaman ko?
Hindi ko maipaliwanag, ako'y gulong-gulo
Bakit ako nagkakaganito?
Hindi ko malaman lalo na kung ika'y narito...
Alam ko ang pagkakaiba ng kaibigan sa kai-bigan
Ngunit di ko matukoy kung anu ka sa mga iyan
Hindi ko mawari kung una ba o yung nasa hulihan
Nasa kalagitnaan ka nga yata ng pamimilian...
Ang alam ko lang ay masaya ako
Lalo na kung ikaw yung kasama ko
Hinahanap-hanap ko lagi ang presensya mo
Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko
Mga gawi ko ba'y nararapat pa?
Mga kilos ko'y pang kaibigan pa rin ba?
Itong nararamdaman ko'y san pupunta?
Ang daming tanong sa isipan pero ang sagot lagi ay "siguro" lang pala...
Siguro nga kaibigan lang talaga
Siguro baka dahil matagal na rin tayung dalawa
Siguro normal nga lang ito para sa iba
Siguro nga'y lilipas din ito, baka sa makalawa
Pero lahat ng "siguro" ko'y hindi sigurado
Baka ang iba ay mali ang sinambit ko
Natatakot na ako't nalilito
Ayaw ko masaktan pagdating sa dulo...
Siguro mahal kita pero hindi
Siguro nahulog na ako sayo pero mali
Ituturing pa rin ba kita tulad ng dati-rati
Kung ang nararamdaman ko'y iba ata ang nakakubli..
Siguro lahat muna ito'y hahayaan
Siguro sa mga dadaang araw ay akin ring malalaman
Puro siguro na lang ang nasa isipan...
Sana kahit man lang isa ay may kasiguraduhan..

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento