Tula ng pag ibig #6

😣Akala ko Tapos Na😣

Sobrang tagal na pala
Simula nung maghiwalay tayung dalawa
Alam mo bang hirap kalimutin ka?
Pero sinikap kong alisin ka sa akin ala ala...

Chat at stalk ay kay hirap iwasan
Ngunit laging madaya si kapalaran
Lagi kong nakikita ang iyong mga kapangalan
Sa mga pahinang hindi ko inaasahan...

Days and months ang nagdaan
May tiwala na sa sariling hindi maaapektuhan
Na siguradong ikaw na nga ay nakalimutan
Kasama ang pagmamahal natin iyong kinasawaan..

Ang tagal kong naging kontento
Kontento na wala na talaga yung "tayo"
Masaya na ako kasama ng mga kaibigan ko
Alam na alam kong move on na ako sa iyo

Hanggang dumating ang di ko inaasahan,
Nakita kita na naglalakad sa may daan.
Nakakapanglumo dahil iba aking naramdaman,
May halong lungkot at kapanabikan...

Gusto pa rin kitang makasama,
Gusto ko na ikaw sa akin ang mag aalaga,
Gusto ko pa rin tayu'y magkaayus na,
Hindi ko inaasahan ang ganitong nadarama...

Akala ko ayos na,
Akala ko wala na,
Akala ko kaya ko na,
Akala ko hindi na kita mahal pa...

Hanggang kailan ako magdurusa..

Hanggang kailan ako magpapanggap na masaya

Hanggang kailan! hanggang kailan!

Gusto na talaga kitang kalimutan...😔

Mga Komento

Kilalang Mga Post