Tula ng pag ibig #5

🙈Pretender🙈

Iba na talaga ang mundo..
Maraming mapagpanggap na tao,
Hindi mo alam kung sinung totoo
Lahat napepeke, Ito ay nakita ko..

May nilalang na nakamaskara..
Pwedeng kaibigan mo yun o kakilala..
Tatalikod ka, sila ay dadada..
Maling balita ay kakalat ng bigla..👌

Meron din namang naiiba..
Kala mo nakangiti, naiyak na din pala..
Sobrang siyang makatawa sa harap ng madla.
Kala mo'y walang mabigat na problemang                    dinadala..😿

Isa pa sa kaka-iba..
Mahal mo pero di ipinapakita..
Nasasaktan na nga tuloy pa!
Diresto pa din, Ganyan tayo d ba?

Sige ipagpatuloy nyo pa!
"Tarapay" tawag kapag sumunod ka
Kung di mo alam yang ganyang salita..
Pasensya na lang, mahirap ipaliwanag sa madla..

Mapagpanggap, mapagpanggap..
Bakit hindi ka marunong umiyak?
Bakit hindi ilabas kapag ika'y nakaharap..
Yang luha at sakit, ipakita nang sa loob ay          hindi mahirap🙊

Maging totoo naman minsan..
Nang makita kung sinu ang nandyan..
Sinu yung totoong di mang iiwan...
Sinu yung tapat talaga sa iyong harapan...👱

Ipakita isang tunay na ngiti lang
Walang halong pagpapanggap at kasinungalingan..
Para di ka na plastikin nang yong kaibigan..
At makita mo ang tunay na kanilang nararamdaman...😌

Mga Komento

Kilalang Mga Post