Tula ng pag ibig #3

🙊MANANAMIK NA LANG AKO🙊

Sobrang sarap mong kasama
Yung tipong parang clown na lagi akong napapatawa...
Akala nila tayo ay magsyota
Pero sa pagitan nating dalawa..
Nandun yung "walang tayo" na kataga..
Yan yung salitang parang ayoko..
Parang ang samang pakinggan sa pandinig ko..
Pero wala ako magagawa dahil yun ang gusto mo..
"Di tayu talo" eto naman ang sinasabi ko
Ngunit lahat ng ito'y di ko sigurado..
Hindi ko alam dahil hindi naman ako perpekto
Hindi ko alam dahil sobra na akong nalilito
Gulong-gulo sa nararamdaman ng pusong ito..
Hanggang dumating yung araw na di inaaasahan..
Naghiwalay na tayu ng eskwelahan..
Saya at kulitan ay naging madalang..
Tanging messenger lang ang nagiging daan..
Tulay upang mapangiti ako ng tuluyan...
Tulay upang akin na palang malaman..
Maramdaman na iba na to aking kaibigan..
Iba na ito sa dating nakasanayan..
Ibang-iba na dahil akin nang napatunayan..
Hindi na turing kaibigan ang tingin ko sayo
Isa ka na sa mahahalagang tao..
Isa ka na sa bumubuo nang salitang "AKO"
Isa ka na sa nagpapasaya sa araw ko
Kaso natatakot ako itong sabihin sayo..
Nangangamba ako na biglang layuan mo..
Kaya mas mabuti pang itikom ko ito..
Nang hindi ko masabi na ika'y mahal ko...
Nanaising ko pang makita ang ngiti mo..
Nanaising ko pang sa atin ay walang magbago..
Nanaising ko pang makasama ka, tuwing sabado't linggo..
Nanaisin ko pa ito kaysa ikaw ay lumayo
Itatago ko na lang ito para sayo...
Este para pala sa akin kaibigan ko..😔🙊

Mga Komento

Kilalang Mga Post