Teacher Poet.

" G U R O "
By: Clyde Reimor A.
Bazan

Ang pagiging isang guro ay di madali
Pagiging isang magandang modelo sa mga tao dapat niyang mapanatili
Inuuna niya muna ang kapakanan ng estudyante nya bago ang kanyang sarili
Bayani na namumukod tangi at di makasarili

Ang guro ang siyang nagsisilbing gabay
Sa hirap at saya lagi mo siyang kaagapay
Siya narin ang nagtayong ating pangalawang nanay at tatay
Aalalayan ka sa bigot tagumpay

Mam o Sir kung silay tawagin
Sila ay dapat nating hangain
Nararapat lang na sila'y igalang at respetuhin
Sapagkat sila ang mga guro natin

Mga Komento

Kilalang Mga Post