Ampalaya poetry #5

"You do note"
Ni: Eden Joy Hermoso

"You do note", sabi ng batang babae sa video,
Na ngayon ay viral sa social media
Bakit niya nga ba sinasambit nang paulit-ulit?
Ang katagang "You do note"
Alam mo ba ang iba pang kahulugan nito?

Sa mga babaeng nag-iisip na sila ay pangit,
You do note na ikaw ay maganda.
Ang iyong kagandahan ay naiiba sa karamihan,
Huwag kang makinig sa mga taong nag-aala-hurado
Maganda ka! Kahit saang anggulo.

Sa mga mag-aaral na sukong-sukong na,
You do note na matalino ka,
Isipin mo kung paano ka nagsimula,
Gawin mong inspirasyon ang paghihirap ng iyong mama at papa,
Huwag kang sumuko kung pagod ka na, dahil pwede magpahinga

Sa mga taong gustong wakasan ang kanilang buhay,
You do note na ikaw ay may halaga,
Ang pagtali ng lubid sa iyong leeg ay hindi solusyon sa iyong mga problema,
Lumuhod ka sa Kaniya, para maalala mo kung sino ka talaga.

Sa mga kabataang naligaw ng landas,
You do note na makakabalik ka pa,
Malapad pa ang daanan pabalik sa iyong tahanan,
Isipin mo na may naghihintay sa'yo,
Dahil kabilang ka sa mga pag-asa ng bayan.

Sa mga taong hindi makalimot sa paglisan ng minamahal nila,
You do note na makakalimutan mo din siya,
Umiyak ka lang natural ang masaktan,
Nasaktan ka kasi minahal mo siya ng lubusan,
Darating ang panahon na may taong magmamahal sa'yo ng buong-buo.

Sa mga taong walang kumpyansa sa sarili nila,
You do note na wala kang magagawa kung puro ka hiya,
Tanggalin mo na ang iyong maskara,
Ipakita kung sino ka talaga,
Dahil dito mo mapapatunayan na kaya mo pala.

Sa inyong lahat, sa ating lahat,
You do note, let us note na dito sa mundo,
Tayo ay may iba't-ibang destino,
Pahalagahan natin kung ano at sino tayo,
Ilantad kung ano ang ninanais mo.

Mga Komento

Kilalang Mga Post