MARINDUQUE (HORROR STORY)

Marinduque.

Hi, tawagin nyo na lang po akong Raven. Pinanganak ako sa Marinduque at doon na din nagkaisip. 10 years old ako nung huling makatapak ang paa ko sa probinsyang iyon. Naghiwalay kase ang mga magulang ko sa part kami ng papa ko sumama. Ako si ate at si papa ang magkakasama simula nung umalis kami sa nasabing probinsya.

Bata pa lang ako ay napapadpad ako sa mga lugar na di mo aakalaing mapupuntahan ng isang batang kagaya ko. Explain ko sa susunod kung bakit. Ikukwento ko muna yung una kong karanasan.

Napadpad ako sa kakahuyan malayo sa bahay namin. Napatingin ako sa langit sa gawing kanan at tila may eksena akong nakita. Yung lolo ko na nakaupo sa matandang puno na putol na. May tatlong babae na aakalain mong diwata. Yung isang babaeng puro puti ang damit ay nasa gitna. Si lolo nasa bandang kaliwa. Yung isa naman nasa gilid sa may kanan faded yellow yung damit nya na may brown brown sa gilid gilid. At yung huli naman ganun din ang damit sa nasa gilid sa may kanan. Pero etong huli ay kulot ang buhok at meron syang ibinigay sa lolo ko na baso na gawa sa bamboo. Di ko alam ang nakalagay sa loob non pero ininom ito ng lolo ko. Biglang nawala yung nakita ko non at pinuntahan ko yung lolo ko. Pagkadating ko noon sa bahay ng lolo ko humihinga pa naman. Natutulog ng mahimbing. Yung bahay ng lolo ko maliit lang nakahiwalay sa bahay ni lola kase may sakit si lolo na nakakahawa daw. Nakakausap ko naman si lolo kahit di sumasagot. Nilalayo ako nila mama doon kase baka daw mahawa ako. Back to the story. After a week namatay ang lolo ko. Siguro pangitain ang nakita ko. Ni isa sa mga malapit sa akin ay wala akong pinagsabihan sa nakita ko. Ilang araw pagkatapos ng libing ng lolo ko. Nagsunog ako ng puno sa likod ng bahay ni lolo na katabi yung bahay ni lola. Yung puno po na to eh mataas. Di kayang sunugin ng bata. Habang lumalaki yung apoy na to eh dumating sila tita. Nakatira din sila sa bahay ng lola ko. Nahagip na din ng apoy yung bubong ng bahay ni lola. Yung bahay sa probinsya madali pa namang masunog. Ako naman nakaupo habang nakatulala sa tuktok ng puno. Si tita niyugyog na ako habang yung iba pinapatay na yung sunog. Di ko maaninang sila tita basta ang alam ko lang natataranta na sila. Ako chill chill lang nakaupo at tulala. Napakadami ko pang karanasan. Try ko po ulit magkwento sa susunod kung nagustuhan nyo yung kwento ko. Sana naintindihan nyo yung kwento ko HAHAHAHA.

PS: Bukas ang 3rd ko alam ko yun bata pa lang ako. Nakakita ako ng mga nilalang na di nakikita ng iba. Sila din yung dahilan kung bakit ako napapadpad sa mga malalayong lugar. Sa ngayon 21 na ako wala na akong nakikita. Siguro nga kase wala na ako sa probinsya. Sa susunod ikukuwento ko kung pano ako napapadpad sa iba ibang lugar hehe. Xiao.

RAVEN

Mga Komento

Kilalang Mga Post