"Tula para sa WIKANG FILIPINO"
"Tula para sa
WIKANG FILIPINO"
WIKANG FILIPINO"
ni Elyver Garlejo
Ang Wikang Filipino
Ay wika para sa lahat ,
Mapa banyaga't ibang lugar man
Ito ay sikat na sikat,
Ating Wikang kayganda
Talaga nga na ma'y pinag-aaralan
na ng iba,
Pinasikat dito ang
"SALAMAT" at "MAHAL KITA",
Na pag narinig mo'y anung tuwa't saya,
Ang iyong madarama,
Kaya dapat nating Pagandahin at
Pagyamanin ang bawat bigkas nito,
Upang sa ganitong paraan magkaintindihan tayo,
Wikang galing sa ating "PUSO"ang dapat nating bigkasin,
Tungo sa maayos na pakikitungo ng bawat isa sa atin
Sariling Wika Ating Payamanin
Alagaan at pagkaingatan,
Wika ating kinagisnan mula sa ating pagkasilan,
Hanggang sa ating pagpaalam
Pagpapaalam na dala dala ang ating kinagisnan na Wika,
Wika na maipagmamamalaki,
pinag lalaban ng bawat filipino
kahit saan pa man tayo ay FILIPINO.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento