Spoken Poetry 2

''KAIBIGAN''
BY: JADESENSEI

Walong letra pero mahal na mahal ka
Kaibigan na animo'y kapatid mo na
Kaibigan na laging nandyan para suportahan ka,
Mula dramahan hanggang pagtawa 
sya'y laging nandiyan upang sabayan ka, 
Kaibigan na taga payo mo sa tuwing luhaan ka
Kaibigan na kapag nawala di mo kakayanin talaga,
Ganyan ang naramdaman ko nang kasama kita,
 pero ngayon wala na kasi sumuko ka na 
para bang mas masakit pa sa iniwan ng jowa nung lumayo ka, 
Panahon na lagi tayong mag kasamay wala na,
Mga tawanan nating dalawa'y burado na, 
Bawat halik at yakap na sumasalubong 
tuwing tayo'y nag kikita'y tapos na, 
Mga tawang walang katapusan ay napalitan ng luha,
Luha na mula saking mata na
 kapag iniisip ka tumutulo!!! 
Ako'y hirap, balisa 
Diko alam kung ok ka, 
Dahil simula nung sumuko ka, 
Para kang bula na nawala ,
Nawala nalang bigla! 
Habang ako'y naghihintay,
Naghihintay sa wala, 
Hanggang nang isang araw nakita kita, 
Nakita kitang masaya sa iba! Nagtatawanan 
,nagbibiruan na katulad ng dati natin ginagawa, 
Kaya wala akong ibang nagawa kundi talikuran ka! 
Kasi alam ko namang 
wala na akong magagawa! 
Kasi ang dating bestfriend ko,
May bestfriend nang iba!

Mga Komento

Kilalang Mga Post