SPOKEN POETRY 1
"ALA-ALA"
By:Boobsy
Sa tuwing ika'y naaalala
Mga sandaling ating pinagsamahan
Ay muling naaalala
Paano nga ba kita makakalimutan?
Kung sa aking paligid ikaw at ako ang laging nakikita
IKAW at AKO na minsan ng nagkaroon ng TAYO
Wala na nga bang pag-asa?
Bumalik ang dati nating pinagsamahan?
Di na ba pwedeng ipagpatuloy?
Ang ating na simulang kwento?
Ang akala ko noon ay iba ka sakanila
Pero ngayon alam kong kabilang karin pala
Akala ko nahanap ko na
Yun pala isang pagkakamali na naman
Pero bat ganun? masakit mang aminin...
Ikaw parin ang sinisigaw ng damdamin
Alam kong masaya kana sa iba ngayon
At hindi mo na ko naaalala pa
Pero ako'y patuloy paring umaasa...
Umaasang ako'y iniisip at hinahanap-hanap pa
Kahit ang katotohanan ay ako'y iyong limot na
Ito lamang ang ilang damdaming...
Gusto ko sa iyong iparating
Na kahit sa ilang sandali ito'y iyong dinggin
Bago pa kita tuluyang limutin
Huling habilin sa iyo aking mahal..
Kung gusto mo lamang ng seryoso
Matuto ka munang Makuntento
Hanggang sa muli aking Ginoo...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento