"B. O. O. M. WASAK"!
...
Sinubukan kong mag bilang hanggang lima at nagbabakasakali na maging tayo pa
Pero tila ba'y ang mundo ay mapag larong sadya. 
Nagbilang na naman ako ng isa hanggang umabot sa ikasampu at nagbabakasakali na tayo'y ipagtagpo,
Pero shit why so lupet?
Dumating sa punto ang isip ko'y nalito
Sarili'y tinanong
Hanggang kailan ba?
Hanggang kailan ba ako aasa?
Hanggang kailan ba ako titigil na magpakatanga sa katulad mong alam ko namang may mahal ng iba.
"Boom " shit ang tanging nasambit sa sobrang sakit.
Hindi mo nalang sana sinimulan kung nuon palang hindi mo pala kayang ipang patuloy ang laban.
Di mo ba ako nakikita? O sadyang wala kalang makita!
Di mo ba ako nararamdaman? O mas tamang sabihin kong wala ka talagang pakiramdam!
O sadyang nagbubulag bulagan ka lang?
Pero bakit kaba ganyan
Hindi ko rin maiintindihan
Gusto mo ba ako o ginusto mo lang dahil wala kang mapag libangan?
Ang akala mo siguro'y ganon lang kadali
Ganon lang kadali bumitaw ng mga salita ngunit ika'y na kakamali sapagkat ang sakit di ko mawari. Parang mga pasabog na sa isang iglap "BOOM"!!! puso ko'y agad ng nawasak.
Tingnan mo ang aking mga mata
Titigan mo kung kaya mo pa
Dahil kung wala na talaga, lalayo ako
At wag ka naring magparamdam pa.
Manahimik kana kasi ayoko na dahil masakit na. At higit sa lahat puso koy wasak na isama mo narin ang mundo kong ginulo mo pero di mo nagawang ayusin pa! Kaya paalam na. Dahil pagod nakong mag bilang pa.. mag bilang ng paulit ulit.
Na kahit Ilang beses kong ulit ulitin mag sisimula ako sa umpisa, oo tama sa umpisa ng bilang dahil hanggang dun lang naman talaga diba?
Kasi bakit ko tatapusin ang aking bilang hanggang sa dulo eh wala namang tayo sa pagitan ng mga salitang atin.
Masakit! Oo sobrang sakit kasi kung kelan masaya nako dun kapa dadating sa buhay ko,
Dadating ka hindi para mahalin ako.
Dumating ka para lang saktan at paasahin ang Tulad ko.

(Mga Salita ni 📷@nanzpttr )

No photo description available.


Mga Komento

Kilalang Mga Post