"KULAM NG TINAGURIANG KABET NG BAYAN"

 "Ang Kulam ng tinaguriang Kabet ng Bayan"

Hello spookifiers Heather muli ito kung natatandaan nyo and thankyou admin cris joy sa compilation ng stories medyo naging busy kaya di nakapag kwento.
"KUNG SINO PA ANG KABET SYA PA ANG GALIT" ika nga ng nakakarami kahit ako ay naniniwala dito.Nakaraang buwan lamang ito nanyari sa kaibigan kong si Ann.
Si Ann ay may ka live in partner na nag ngangalang James.Alam ko na maganda ang pagsasama nilang dalawa dahil sa kwento sakin ni Ann twing dadalaw siya dito sa bahay o kayay sa mga post sa facebook. Masasabi mong wala ni isa sa kanila ang gumagawa ng mali para masira ang relasyon nila pero isa pala itong kasinungalingan
Last month lang ito nanyari.Bday ni jigs kaya may salo salo.May bisita kaming dumating at isa na rito si ann na kaibigan ko.Habang kumakain kami ay natanong ko si Ann "Bakit nga pala kayo nag hiwalay ni james? " Tanong ko dito "Wala e nalaman kong may bago na pero mukhang luma sis haha"sabi ni ann "Luh kwento mo nga"sabi ko dito at nagsimula na itong mag kwento
Ann POV
Nasa kwarto ako noon ng maramdaman kong sumasakit ang tiyan ko.Tumakbo kaagad ako sa banyo dahil nasusuka ako.Pero bigla akong sumigaw ng may tatlong uod akong nakita sa suka ko.Kaagad kong tinawagan si james na nasa trabaho pa pero hinde ito sumasagot.Bumalik ako sa kwarto at nagpahinga.Inaantay ko ng inantay si james pero alas dose na ng madaling araw ay wala parin si james hanggang sa makatulog na ako. Mag dadalawang linggo na nararanasan ko parin ang pagsusuka ng may uod at mag dadalawang linggo na rin na hinde umuuwe si james.Ang sabi nito sa akin noong tinawag ko uli ito ay umuwe siya sa probinsya at di na nagpaalam sa akin dahil nag mamadali siya dahil mag hahati hati na sila ng lupa na pamana ng kanilang lolo.Naniwala naman ako dito dahil alam kong mapagkakatiwalaan si james pero yun ang mali ko dahil ang akala kong pinuntahan nyang lupa para hatiin ay iba dahil doon sya nag lalagi sa bahay ng kabet nya at yoon ang hinahati nya!Hinde ko matanggap ang ginawa ni james na sinabayan pa ng sakit ko.Kumonsulta na kami sa albularyo kasama ang nanay ko at doon nasabing kinukulam daw ako ng isang babae na mahaba ang buhok at malapit sa isa sa mahal ko sa buhay.Kaagad kong kinompirma na ito ang kabet ni james.Pag kauwe na pagkauwe namin sa bahay ay kaagad kong trinace at hinanap sina james at nalaman kong wala ito sa probinsya nila kundi nasa kabilang barangay lang pala.Nag amok ako sa labas ng inuupahan nilang bahay at lumabas naman kaagad si james "O love ano ginagawa mo dito" sabi nito na di mapakali ang mukha.Nilapitan ko kaagad ito ang pinagsasampal.Lumabas naman ang kirida nito at nag pupuputak. "Hoy ann ano iskadalosa ka may pag sugod kapa talaga" sabi ni rachelle na kabet ni james at tinaguriang kabet ng bayan dahil madami narin itong naging kabet sa lugar namin "Hoy hayop ka ano akala mo maganda ka hoy kabet kalang pati ako pinakulam mo para ano para magsama kayo ng masaya nyan ni james"sabi ko dito "Hahaha tatanga tanga ka kasi puro ka trabaho di mo alam may trinatrabaho nang iba yang asawa mo"sabi ni rachelle"Pinaghahampas ko si james at doon ginanutan ako ni rachelle at inawat kaagad kami ni james "Ako pinakulam kita mukha ba akong mangkukulam"sabi ni rachelle lumapit ako dito at itinapat sa mukha niya ang maliit na bote na may langis.Hinde ito mapakali nang makita nya ang bote na may kumukulo nabasag sa kamay ko ang bote at doon nag wawala si rachelle "Mangkukulam ka"sigaw ko kay rachelle "Ikaw james kukuha kanalang ng puta mang kukulam pa.Pagkatapos noon ay umalis na ako dahil madami nang tao ang nakatingin sa amin.Pag kadating na pagkadating ko sa amin ay nagpasama uli ako sa nanay ko na pumunta sa albularyo sinabi ko sa albularyo ang nangyari sa bote na binigay nya at doon nakompirma namin na si rachelle ang nangkulam sa akin.Makalipas ang isang linggo ay gumaling na ako.Hindi ko narin pinakelaman sina james.2 months na pala akong niloloko ni james at walang alam si james na kinukulam ako ni rachelle habang nagsasama sila.Nalaman ko ring wala na rin silang dalawa at bumabalik sa akin si james pero no way naging tanga na ako pero di na mauulit yong katangahan na yun.
Nagulat ako sa kwento ni ann sakin.Pero nakita ko naman sa kanya na masaya na sya kahit single sya.May mga kabet talagang sila pa ang galet kapag nahuli na aminin natin yan

Mga Komento

Kilalang Mga Post